5 indibwal mula sa Isabela, napiling principal beneficiary ng BP2

Nasa 5 indibidwal na mula sa lalawigan ng Isabela ang napiling principal beneficiary ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa(BP2) program kung saan makatatanggap sila ng livelihood assistance mula sa DA- Regional Field Office 2.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dr. Rickson Baldugo, ang BP2 Action Officer ng DA RFO2, ang napiling mga principal benepisaryo ay mula sa Brgy. Union at Minante 1 Cauayan City, Matusalem Roxas, Naguilian Norte, City of Ilagan at Sta. Maria, Isabela.

Aniya, bago pa man makauwi ang mga benepisaryo sa probinsya ay nabigyan na sila ng paunang interbensyon upang pagkauwi nila ay mayroon na silang sisimulang pangkabuhayan.

Kaugnay dito, nakadepende umano sa pipiliing module ng benepisaryo ang matatanggap na livelihood assistance kung saan maaring magbigay ang DA RFO2 ng vegetable seedlings, 4 na baboy buwan at 45 na piraso ng ready to lay na manok o pato na libre ang feeds nito sa loob ng 3 buwan.      

Ayon pa kay Dr. Baldugo, target umano sa lalawigan ang 220 na BP2 principal beneficiary ngunit dahil marami umano ang nagkansela ng aplikasyon ay pipili na lamang ang ahensya ng 30 residente ng uuwiang barangay ng napiling benepisaryo at makatatanggap rin ng interbensyon.

Sa ngayon ay mayroon pang 3 BP2 beneficiary mula Metro Manila ang uuwi sa San Mariano, City of Ilagan at Tumauini, Isabela sa July8-9, 2021.

Hinikayat naman niya ang mga IsabeleƱo na nawalan ng hanapbuhay sa Metro Manila na mag-apply sa balik probinsya program ng pamahalaan bisitahin lamang ang www.balikprobinsya.ph upang masuri kung kwalipikado ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *