5 istasyon ng LRT-1 Cavite Extension, magbubukas na sa 2024

Magbubukas na sa susunod na taon ang limang istasyon ng Light Rail Transit-1 Cavite extension.

Sa huling bahagi ng 2024 ay mauumpisahan ng gamitin ang LRT-1 na ayon sa operator nito na tanging ang sinusolusyunan na lamang ay ang right of way ng naturang riles.

Ayon kay Juan Alfonson President at CEO ng Light Rail Manila Corp., inaasahan nilang mababawasan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing daan na maseserbisyuhan ng nasabing linya ng tren.

Sa ngayon, puspusan na ang ginagawang paraan ng gobyerno para maaksyunan ang ilan pang mga usapin na nakakasagabal sa agarang pagtatapos ng proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *