5 kalalakihan kabilang ang isang pulis, arestado matapos ang tangkang pagpuslit ng narra

Arestado ang limang kalalakihan na kinabibilangan ng isang pulis matapos ma-corner sila sa Quarantine Control Checkpoint ng San Manuel Police Station kung saan tinangkang magpuslit ng ilegal na nilagareng puno ng narra.

Kinilala ang mga naaresto na sina PSSGT Clifford Tega na nakatalaga sa 1st Mobile Force Company sa Pampanga; Vic Natar; Domingo Fernandez; Leo Balachez; at Rustom Queba na pawang mga residente ng Brgy. Balbalan Tabuk City, Kalinga.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PMaj. Jose Torrijos, ang hepe ng San Manuel Police Station, sa nakatalagang QCCP ng istasyon sa Brgy. District 3 San Manuel, Isabela pinahinto ng mga naka duty na kapulisan ang sinasakyang  close van at nang pinabuksan  ay tumambad ang mga nilagareng narra na natakpan ng sako-sakong ipa ng palay na nagresulta ng kanilang agarang pagkaaresto.

Aniya, batay sa DENR nasa humigit kumulang 700 board feet ang nakumpiskang narra na nagkakahalaga ng mahigit 100,000 piso at nakatakdang ibagsak sa mga furniture shops sa Pampanga.

Ang nahuling pulis umano na si PSsgt. Tega ang nagmamay-ari ng nakumpiskang narra ang nagsisilbing convoy umano ng close van.

Ayon pa kay PMaj. Torrijos, nang nasa himpilan na umano ng San Manuel ang PS ay nakuha pa umanong suhulan ni PSSgt Tega ang kapulisan ngunit nanindigan naman na ang hepe hindi sila tumatanggap ng suhol dahil mahigpit umanong sinusunod ang internal cleansing sa kanilang hanay.

Dagdag pa niya, dati na umanong gawain ng mga suspek ang pagpupuslit ng ilegal na nilagareng mga kahoy at base sa kanilang nukmpiskang skilled book ng mga ito ay marami na umano ang kanilang naging transaksyon.

Sa ngayon  ay nasa piskalya na ang mga suspek at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa PD 705 o Illegal logging habang sasampahan rin ng kasong bribery ang nahuling pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *