5 linggong oil price hike – posibleng matuldukan sa susunod na linggo

Inaasahang roll back na ang magiging paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga oil industry sources – matapos ang apat na araw ng trading ay posibleng mabawasan ng P1.00 hanggang P1.20 ang kada litro ng gasolina.

Mayroon ding inaasahang P0.40 hanggang P0.60 na tapyas sa kada litro ng diesel; habang P0.45 naman hanggang P0.65 ang posibleng i-rollback sa kada litro ng kerosene.

Maaalalang mula nang magsimula ang taong 2024 – naka-limang sunud-sunod na oil price hike na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *