5 lugar sa Pampanga, may nahalal na first timer mayor

Mga baguhang mayor ang naihalal sa limang lugar sa Pampanga.

Kinabibilangan ito ng bagong mayor sa Guagua na si Tonton Torres, Philip Naguit sa bayan ng Minalin, Tonton Bustos sa bayan ng Masantol at ang dalawang unang babaeng naging mayor sa city of San Fernando na si Vilma Caluag at Madeth Alejandrino sa bayan ng Arayat.

Habang nagbabalik naman sa pagka mayor ang dating mga alkalde na sina Lina Cabrera-Bagasina ng Sasmuan, Malu Paras-Lacson ng Magalang, Art Salalila ng Sta Rita at si Johnny Sambo ng Sto Tomas.

Re-elected naman ang mga alkalde ng Angeles city na si Pogi Lazatin, Cris Garbo ng Mabalacat, Diman Datu ng Bacolor, Rene Maglanque ng Candaba, Darwin Manalansan ng Floridablanca, Bobong Flores ng Macabebe, Teddy Tumang ng Mexico, Jing Capil ng Porac, Abundio Punzalan ng San Simon, at Norberto “Ross” Gamboa ng Sta Ana.

Kabilang din sa na re-elect ang mga alkaldeng walang kalaban tulad nina Oscar Tetangco Jr ng Apalit, Esmie Pineda ng Lubao, at Dr. Jay Sagum ng San Luis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *