5 mangingisda mula sa Camarines Sur huli sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Mercedes Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Nahuli ang limang mangingisda mula sa Camarines Sur na naaktuhang nagsasagawa ng illegal fishing operation sa  loob ng Municipal water ng Mercedes, Camarines Norte.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, lulan ng dalawang bangka ang limang mangingisda na hindi pinangalangan na pawang mga residente ng Calabanga, Camarines Sur.

Ang mga ito ay naaktuhan umanong iligal na nanghuhuli ng isda sa karagatang sakop ng  Lanot, ang dulong Barangay ng Mercedes.

Nakumpiska sa mga ito ang illegal fishing paraphernalias na kinabibilangan ng active gear gaya ng isang set  of  wooden board , mga lubid at mga lambat.

Kinumpiska rin ang mga nahuling dilis at balaw.

Nasa kustodiya ngayon ng Mercedes Municipal Police Station ang mga nahuling personalidad para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, isang malaking wooden board naman na ginagamit sa pangingisda ang inabandona at narekober ng Bantay Dagat sa karatig Barangay na Lalawigan.

Ang wooden board ay kabilang sa active gear fishing paraphernalia na mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng 15- kilometer municipal water.

Dahil kasi sa bigat at laki nito, ay tiyak na tuluyang masisira at mamamatay ang mga coral reef kapag nadaanan nito.

Pinaniniwalaang inabandona ito ng may ari ng bangka matapos na mabilis na tumakas nang mamataan ang paparating na task force.

Kung maalala ay una nang nagpalabas ng pahayag ang LGU Mercedes na ngayong 2024 ay mas paiigtingin nito ang pagbabantay sa municipal water at panghuhuli sa mga iligal na nangingisda.

Alinsunod umano ito sa umiiral na fishery law at municipal ordinance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *