5 Mindanao, Visayas cities ‘areas of concern’ sa COVID-19 —OCTA

Muling tinukoy ng OCTA Research ang Mindanao at ang Visayas bilang “areas of concern,” sa gitna na bumaba ang daily COVID-19 cases sa National Capital Region sa average na 700

Para sa period ng June 15 hanggang June 21, lumalabas sa June 22 report ng OCTA Research na ang Davao City, Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro at Tacloban ang mga kinilalang areas of concern dahil sa growth rate sa mga bagong kaso.

Kaugnay nito, ang Davao ay nagtala ng 246 na mga bagong COVID-19 cases, na mas mataas mula sa nakaraang linggo na 193, habang naitala ang 28% one-week growth rate at 13.55 average daily attack rate (ADAR).

Sa Tacloban, umakyat sa 54 ang mga bagong infections mula sa nakaraang linggo na 41, habang ang one-week growth rate ay pumalo sa 34% at ang ADAR ay tumaas sa 20.76. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *