5 NCR Mayors, nanguna sa job performance rating

Magkakahanay ang limang alkalde bilang top performing National Capital Region (NCR) city mayors, batay sa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Sa inilabas nitong 2023 Annual Report, kinilalang pinakamahuhusay sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Malabon Mayor Jeannie Sandoval, Navotas Mayor Johnrey Tiangco, Caloocan Mayor Along Malapitan, at Parañaque City Mayor Eric Olivarez.

Magkahanay naman sa Top 2 sina Pasig Mayor Vico Sotto at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Nakapaloob sa “Boses ng Bayan” Annual Report 2023 ang in-depth review sa naging serbisyo ng mga alkalde sa nakalipas na taon.

Hindi lang ito nakatutok sa kanilang administrative capabilities kundi maging sa maagap na pagtugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad at dedikasyon sa pagtutulak ng sustainable urban growth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *