5 news Covid-19 cases, naitala sa Legazpi City; record pumalo na sa 17

LEGAZPI-Matapos ang ilang buwan ngpagiging covid-19 free, naitala ang 5 kasong bagong tinamaan ng sakit sa lungsod.

Batay sa pinakahuling record ng City Health Office, nung June 28, isa ang nagpositibo na 30 anyos na babaeng government employee mulang barangay Rawis.

Noong June 29 naman, 4 na mga government employee sa kaparehong barangay ang nagpositibo sa sakit.

Ayon sa tanggapan, lahat naman ito mga asymptomatic at patuloy ng minomonitor at quarantine.

Inaalam na rin kung san muli nag ugat ang virus at mga nakasalamuha nito.

Pinanawagan naman sa mga residente na huwag maging kampante mas lalo pat napapanahon pa rin ang pandemya at sinuman ang maaaringmagkasakit.

Samnatalang as of July 1, nasa 17 na ang total na bilang ng Covid-19 cases sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *