5% sa mga empleyado ng LGU-Naga kabilang sa sektor ng persons with disability

NAGA CITY – Isa ang LGU-Naga sa nagpapatupad ng Republic Act 10524 o ang batas na dapat 1% sa mga empleyado sa opisina ng gobyerno,ahensiya at korporasyon ay ang nasa sector ng Persons With Disability.

Kinumpirma ni Atty. Pj Barrosa head ng Persons With Disability Affairs Office ng lungsod na hindi lang 1% ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan kundi 5% pa. Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Barrosa, sinabi niyang ipinatupad ito sa pamamagitan ng executive order na inilabas ng City Mayor Son Legacion.

Nilinaw pa niya na ang mga PWDs na mga empleyado ay nakakatanggap ng sahod at mga benipisyo ng tama, tulad ng mga kasamahang empleyado. Halos lahat ng mga opisina sa city hall ay may mga empleyadong galing sa nabanggit na sector.

Bukod sa pag empleyo, tuloy din ang paglikha ng livelihood programs sa mga ito para matiyak na may trabaho at kumikita ang mga ito,araw-araw.       

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *