5 suspected na kaso ng pertussis, naitala sa Albay

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Provincial Health Office (PHO) na mayroong limang kaso ng pertussis sa lalawigan subalit binigyang-diin na ang mga ito’y suspected pa lamang at hindi pa naman kumpirmado.

Kinumpirma naman ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) na tatlo sa limang suspected na kaso ay mula sa Tabaco City, habang dalawa naman ang mula sa Legazpi City.

Ayon pa sa nasabing tanggapan, sumailalim na ang lima sa sampling at kasalukuyan na nilang hinihintay ang resulta para sa kumpirmasyon.

Samantala, kinumpirma naman ni PHO head Dra. Estela Zenit na dalawa sa mga kasong naitala ay mga bata na high-risk din dahil unvaccinated ang mga ito.

Tiniyak naman ng PESU na mahigpit ang kanilang monitoring at patuloy ang kanilang imbestigasyon sa mga kasong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *