50-anyos na magsasaka na may kasong rape, arestado sa Nueva Vizcaya

Arestado ang isang 50-anyos na magsasaka matapos isilbilhan ng warrant of arrest dahil sa  kinakaharap na kasong panggagahasa sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang akusado na si Anno Binaliw, may asawa at residente ng Purok Canadem, Brgy. Oyao, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.

Dinakip si Binaliw ng pinagsanib-pwersa ng Dupax Del Norte Police Station Tracker Team,  Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit at 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company sa implementasyon ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Paul Attolba Jr., Presiding Judge ng RTC Branch 30, Bayombong.

Batay sa ulat ng pulisya, ang akusado ay nanilbihan bilang helper ng mga magulang ng biktima noong nakaraang taon nang halayin ang 9-anyos na bata.

Itiinuturing si Binaliw na numero unong pinaghahanap ng batas sa nasabing bayan.

Nasa pangangalaga na ng PNP Dupax Del Norte si Binaliw para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *