50 taon nang hindi kumakain ng solid food na lola sa Thailand , tanging tubig at softdrinks ang puhunan upang mabuhay

Likas sa mga tao ang kumain at maituturng itong isang esensyal at talagang kinakailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ngunit, kakaiba ang nangyari sa isang ginang sa Vietnam ‘pagkat nabubuhay umano ito kahit hindi kumakain ng mga solid na pagkain.

Tubig at softdrinks, iyan lamang umano ang kaniyang puhunan upang mabuhay.

Ito’y nangyari umano nang humantong naq siya sa edad na 26 kung saan ni hindi na umano siya natatakam sa kahit ano mang uri ng pagkain.

Matapos umano ito nang minsan na siyang nahimatay dahil sa natamaan siya ng kidlat noong umakyat sa kabundukan para gamutin ang mga sundalong sugatan noong kasagsagan ng US-Vietnam war.

Sa loob kasi umano ng ilang araw ay hindi siya kumain at sa tuwing nakaamoy siya ng pagkain ay talagang nahihilo siya.

Kung kaya, simula noon at sa 50 taong nakalilipas ay tanging tubig na lamang at softdrinks ang kaniyang pampalakas na magpahanggang sa ngayon ay nanantili naman umanong maganda ang kaniyang kalusugan.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *