500 sundalo, idineploy na sa Masbate upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at mga residente

LEGAZPI CITY – Damang-dama pa rin ang takot at tensyon ng mga residente sa posibleng muling sagupaan sa pagitan ng mga militar at NPA sa lalawigan ng Masbate.

Ayon kay Maj. Frank Roldan, Divison Public Affairs Office (DPAO) Chief ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, idineploy na agad ang 500 mga sundalo sa mga bayan upang tiyaking  ligtas ang mga mag-aaral, guro at mga residente.

Aniya, nakaalerto na ang nga sundalo sa nasabing lalawigan matapos ang sunod-sunod na pag-atake ng mga rebelde.

Ang nasabing bilang ng mga sundalo ay mga dagdag-pwersa na tutulong upang bigyang proteksyon ang mga mamamayan.

Dahil dito, pinaigting pa ng mga otoridad ang monitoring at pagbabantay sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Sinabi pa ni Roldan, bumuo sila ng ‘Task Force Sagip’ na kinabibilangan ng 903rd Infantry Brigade, 2nd Infantry Batalion, 9th Civil Military Operations Battalion at iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *