52 patay matapos masunog ang pabrika ng fruit juice sa Bangladesh

Patay ang 52 tao habang sugatan ang 30 iba pa sa nasunog na factory ng fruit juice, noodles at sweet confectionary sa Bangladesh.

Ayon sa inisyal na report ng mga otoridad, mabilis ang pagkalat ng apoy sa Hashem Food and Beverage factory sa Rubganj dahil sa mga kemikal at plastic na nakaimbak sa gusali.

Napag-alaman na marami na ang nakauwi bago ang sunog pero pinaniniwalaang marami pa ring tao sa loob ng factory sa magdamag.

Marami sa mga sugatang manggagawa ang tumalon mula sa gusali.

Natuklasan kasi ng mga otoridad na hindi nakalabas ang ibang tao sa loob ng gusali dahil naka-padlock ang daan patungo sa hagdan.

Matatandaan na nangako noon ang gobyerno ng Bangladesh na magpapatupad ng reporma sa kanilang fire safety matapos ang pagkasunog ng isang apartment building noong 2013 na pumatay sa mahigit 1,100 na mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *