5,249 new COVID-19 cases; Active tally, tumaas sa 55,847

Nakapagtala ang Pilipinas ng 5,249 na mga bagong kaso ng coronavirus disease, dahilan para tumaas ng kabuoang caseload sa 1,364,239.

Sa bagong case bulletin ng Department of Health, naitala ang active virus cases sa 55,847, habang hindi kasama ang resulta mula sa walong laboratoryo na bigong makapagsumite ng kanilang datos.

Kaugnay nito, mula sa active cases, 91.4% ang naitalang mild, 4.1% ang asymptomatic, 1.9% ang severe, 1.32% ang moderate, at 1.3% ang nasa kritikal na kondisyon.

Maliban dito, naiulat rin ng DOH ang 1,284,643 total recoveries, kabilang na ang 7,053 na mga bagong gumaling mula sa respiratory disease.

Samantala, tumaas naman ang COVID-19 fatality sa 23,749, matapos maitala ang 128 pang nasawi mula sa sakit. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *