5,414 new COVID-19 cases; Active tally, 56,170

Naitala ng Pilipinas ang 5,414 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019, dahilan para sumipa ang kabuoang case count sa 1,332,832.

Ito na ang ika-pitong sunod-sunod na araw kung saan naitala ang mahigit 5,000 bagong kaso.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa anim na laboratoryo na bigong makasumite ng datos on time.

Sinabi naman ng Department of Health (DOH) na bumaba ang bilang ng active cases sa 56,170.

Kaugnay nito, inanunsyo ng DOH na ang kabuoang bilang ng recoveries na 1,253,541, matapos gumaling mula sa respiratory disease ang 7,637 pang pasyente, habang 158 naman ang naitalang bagong fatalities, dahilan para tumaas ang death toll sa 23,121.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *