5,462 new COVID-19 cases; Active tally, 54K pa

Lomobo pa ang kabuoang kaso ng coronavirus disease 2019 sa 1,286,217, matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 5,462 bagong infections.

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na bahagyang bumaba ang bilang ng active cases sa 54,000, kung saan 92.6% ang nakaranas ng mild, 3.0% ang asymptomatic, 1.8% ang severe, at 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon.

Hindi naman kasama sa datos ang resulta mula sa walong laboratoryo na bigong makasumite ng report on time.

Samantala, sinabi ng DOH na may 7,854 pang pasyente na nakarekober mula sa respiratory disease, dahilan para tumaas ang total recoveries sa 1,210,027, habang 126 naman ang bagong fatalities, na nagresulta para sa kabuoang death toll na 22,190. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *