55 na indibidwal sa Baggao, Cagayan; nakatanggap ng working capital mula sa DOLE R02

Nakatanggap ang 55 na benepisaryo mula sa Carupian Tulung-Tulong ti Amin a Pagsayaatan ti Mannalon, Inc. (CTAP) Association sa Baggao, Cagayan ng 500,000 na halaga ng working capital mula sa Department of Labor and Employment Region 2.

Ayon sa DOLE RO2, ang ibinigay na working capital sa mga benepisaryo ay pinondohan sa ilalim ng DOLE’s Integrated Livelihood Program (DILP).

Gagamitin ang nasabing capital sa proyekto ng naturang asosasyon para sa agri-input at farm supply.

Tiniyak ni DOLE Regional Director Joel Gonzales na ang kapareho ng nasabing livelihood assistance ang ihahatid rin sa 100 influenced barangay sa Lambak ng Cagayan.

Target umano ng DILP o Kabuhayan program na mabigyan ang mga vulnerable at marginalized workers sa pamamagitan ng entrepreneurship at community enterprises upang mabawasan ang kahirapan.

Bukod sa ibinigay na working capital ay mayroon ding isasagawang mga pagsasanay sa entrepreneurship at productivity upang matiyak na mamimintina at mapapalago ng asosasyon ang kanilang mga pangkabuhayan.

Naikategorya sa tatlo ang livelihood project ng DOLE kung saan una rito ay ang Microlivelihood o ang asosasyon ay mayroong 15-25 na miyembro ay mabibigyan ng 250,000 assistance.

Habang 500,000 naman ang ibibigay sa mga may 16-50 members na kabilang sa Small Livelihood at sa Medium Livelihood ay may ibibigay na 1 milyon kung ito’y mayroong 50 members pataas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *