56-anyos na lalaki, patay nang sumalpok ang minamanehong motor sa isang poste sa San Antonio, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng sumalpok sa poste ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang poste sa Barangay Pury, San Antonio, Quezon nitong Linggo, Enero 21.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nawalan umano ng kontrol ang 56-anyos na drayber ng motor saka sumalpok ito sa poste ng Meralco.

Agad na binawian ng buhay ang biktima matapos ang insidente.

Samantala, kasalukuyan ng nasa pangangalaga ng pamilya ang mga labi ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *