56 barangay sa Albay, isinailalim sa red category

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Commission on Election (COMELEC) at Albay Police Provincial Office (PPO) na nasa 56 na barangay sa lalawigan ang isinailim sa red category ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Matapos isailalim sa COMELEC control ang bayan ng Libon, 47 na mga barangay nito ang kinakailangang ilalagay sa red category dahil sa presensya ng communist terrorist group at isa pang binabantayan na conception group.

Sa bayan ng Daraga, 8 barangay ang nasa red category kung saan kabilang ang Canarom, Gapo, Ibaugan, Pandan, Pe├▒afrancia, Lacag, Talahib, at Villa Hermosa.

Barangay Cagbacong naman ang nag-iisang nasa red category sa lungsod ng Legazpi.

Ang mga nabanggit na mga barangay na nasa red category ay tinututukan at mas kinakailangan ng dagdag na pwersa ng PNP at Philippine Army.

Layunin nito na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at katahimikan sa pagpili sa kandidato ngayon halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *