56% ng mga Pilipino – naniniwalang balakid sa foreign investments ang polisiya ng gobyerno

Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na ang kumplikadong business regulations at mga restrictive foreign ownership sa bansa ay isang balakid para sa mga mamumuhunan dito sa Pilipinas.

Sa survey ng Pulse Asia – lumabas na 56% ng mg aresondents ang nagsasabing balakid ito sa foreign investments.

Kabilang na raw diyaan ang mga red tape, at iba pang polisiga sa Gobyuerno.

46% naman ang nagsasabing kurapsyon ay isa rin sa mga salik kung bakit nahaharang ang mga forieng investments; na sinundan ng kakulangan sa transportation infrastructure sa 40%; at 37% naman sa mataas na electricity cost.

Samantala – 64% din ng mga Pilipino ang nagsasabing magkakaroon ng mas maraming trabaho, better benefits, at mataas na sahod, ang pagtatanggal ng restricitons sa foreign investments.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *