57 acknowledgement schools, nagpapatupad na ng kanilang limited face-to-face classes – CHED Bicol

LEGAZPI CITY – Aabot na sa 57 mula sa 173 acknowledment schools sa kolehiyo ang nagpapatupad ng kanilang limited face to face clasess sa Bicol Region Ayon kay Ma. Pamela Viñas, ang Education Supervisor II ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol, nasa 32.94% na paaralan sa kolehiyo ang nagsasagawa nang face to face classes.

Kokonti pa lng ang pinayagan dahil sila pa lang ang pumasa sa mga requirements at nakapaghanda ng kanilang paaralan para sa F2F.

Kabilang sa mga requirements na iniinspeksyon ay vaccination ng mga mag- aaral at guro, facilities ng paaralan, suporta mula sa LGUs at medical insurance o philhealth.

Nilinaw rin ng tanggapan, na hindi pa 100% na program ang pinayagan na magsagawa ng face to face classes, karamihan sa mga nagpapatupad ng f2f ay mga laboratory subjects o 90% health programs at internship programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *