57,909 Isabeleños, nabakunahan na ng first dose ng vaccine laban COVID-19

Tinatayang nasa 57,909 na Isabelinos o katumbas ng 3.72% sa kabuuang bilang ng populasyon ng probinsya ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng bakuna kontra COVID 19.

Ito ay batay sa inilabas na datos ng Integrated Provincial Health Office Isabela kahapon, May 27,2021.

Ayon kay Dr. Provincial Health Office Dr. Nelson Paguirigan, batay sa datos ng mga nabakunahan, 83.86% ang nabakunahan na mula sa A1 Priority Eligible Group o ang mga Frontline Health workers, 13.92% mula naman sa A2 o ang mga senior citizens, at 37. 42% mula naman sa A3 o may mga comorbidities.

Kinumpirma rin ni Dr. Arlene Lazaro, chairperson ng vaccination Program Operation Center na kasakuluyan narin nilang isinasagawa ng pagbabakuna ng ikalawang dose sa mga Frontline Health Workers at iba pang priority group.

Kaugnay dito, batay din sa datos mula sa National Health Immunization Program Coordinator Chamille Claraval, nabakunahan na ang nasa 16.47 % sa kabuuang bilang ng mga nabakuhan sa first dose.

Samantala, nakatanggap naman kahapon ng second dose ng bakunang Sinovac ang mga Department heads ng Pamahalaang Panlalawigan na kabilang sa Priority Eligible Group A2 at A3.

Muli namang hinikayat ang publiko na magpabakuna ng libre sa kani-kanilang Lokal na Pamahalaan sa ilalim na nagpapatuloy na “Isabela Bida, Handa sa Bakuna program.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *