58-anyos na lalaki sa Lopez, Quezon, patay matapos barilin

Patay ang isang 58-anyos na lalaki matapos itong barilin sa Barangay Sumalang, Lopez, Quezon nitong Miyerkules, Pebrero 28.

Ayon sa police report, nasa balkonahe noon ang biktimang si alyas “Rogelio” at nanunuod ng telebisyon nang dumating ang suspek at walang anu-anong binaril ito.

Dead on the spot ang biktima habang ang suspek naman ay tumakas dala ang armas na ginamit nito.

Napag-alaman na noong Marso 2022, pinagsamantalahan umano ng nasawing biktima ang anak ng kanyang stepson na siya ring person of interest sa kaso.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *