59% ng mga Pilipino, nasiyasahan sa Marcos admin

Humigit-kumulang 59% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang nasisiyahan sa kung paano pinamamahalaan ang bansa ng administrasyong Marcos, ayon sa pinaka huling survey ng OCTA Research.

Batay sa resulta ng Tugon ng Masa, 14% lang ng mga Pilipino ang hindi nasiyahan sa pamamahala ng kasalukuyang administrasyon, habang 24% ay nananatiling ambivalent tungkol sa usapin.

Saad ng OCTA, pumapatak mula 53% hanggang 71% ang performance rating ng Marcos Administration na may pinakamataas sa National Capital Region (NCR) at Visayas (71%).

Samantala, ang pinakamababang satisfaction rating ay naitala sa Bicol Region na may 17%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *