Local News

5k na job applicants, nakilahok sa independence day job fair ng DOLE Region 2

Nasa mahigit limang libong mga aplikante mula sa Lambak ng Cagayan ang nakilahok sa isinagawang online Independence Day Job Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 noong Sabado, June 12, 2021.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DOLE Region 2 Information Officer Chester Trinidad, nasa 1,261 ang binuksang trabaho mula sa 60 na establishimento sa rehiyon sa naturang job fair katuwang ang trabahanap.com.

Aniya, mayroong 500 na positions ang available abroad at mahigit 300 naman na job opportunities ang bukas sa loob ng rehiyon.

Dalawang aplikante aniya ang na-hire rin sa mismong araw habang umaasa naman siyang madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw.

Mayroon aniyang mga aplikante na “near-hire” kung saan maari silang tawagan ng mga employer na kanilang inaplayan para iberipika ang kanilang mga dokumento at kung pasok sa naturang position.

Gayunman, sakaling hindi sila makukuha ang kagandahan aniya sa pakikilahok sa Independence Day job fair ay pwede silang i-refer ang mga aplikante sa iba pang serbisyo at programa ng partner agencies ng DOLE.

Maari aniya silang i-refer sa Bureau of Workers with Special Concerns para sa livelihood assistance at sa DTI para sa business opportunity.

May mga nag-apply din para sa domestic helper abroad, accounting clerk, mechanic at maging sa position sa nurse at therapist.

BNFM Cauayan

Recent Posts

Driver nga nag-overcharge, gikatakdang pasakahan og kaso

Gikatakdang pasakahan og kaso ang driver nga nag-overcharge ngadto sa iyang pasahero gikan Buhangin padulong…

21 mins ago

5 ka miyembro sa NPA misurender

Mitahan ang mga nabilin nga mga yunit sa mga dismantled New Peoples Army (NPA) nga…

28 mins ago

Imahe ng birhen ng Peñafrancia at Divino Rostro dadalhin sa kampo ng pulisya

CAMARINES NORTE - Dadalhin sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Camarines Norte Police Provincial Office…

34 mins ago

SSS muling nagbabala sa mga employer na hindi tumutupad sa kanilang legal obligation ngayong araw ng paggawa

CAMARINES NORTE - Muling nagbabala ang Social Security System (SSS) sa mga employer na hindi…

37 mins ago

Mga sanggol, isinali sa traditional Crying Baby Sumo Festival sa Japan

Sabi nila crying is for losers pero tila kabaligtaran ito sa isang ritual sa Japan.…

38 mins ago

E-center services ng SSS nasa Barangay na

CAMARINES NORTE - Pinalalakas  ng Social Security System (SSS) ang serbisyo nito sa mga Barangay…

42 mins ago