6-anyos, itinuturing na pinakabata na nakaakyat sa tuktok ng Mt. Bulusan

Isang anim na taong gulang na lalaki ang naging pinakabatang nakarating sa tuktok ng Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa ulat, sa tulong ng kanynag mga magulang na kapwa mga mountain climbers, nakayanan at matagumpay na narrating ni Hiraya Mercado ang nasabing tuktok ng bulkan.

Ayon sa mga magulang nito, sinigurado umano nila na nakahanda at ligtas si Hiraya.

Ang bundok ng Bulusan ay may taas na 1,565 meters above sea level.

Sinabi naman ni Hiraya na ‘’kaunti lang ang tulog namin, napakahangin sa tuktok ng Bulkan.’’

Dahil sa kanyang tagumpay, nais na ngayon ni Hiraya na maabot ang tuktok ng maga bundok sa buong Pilipinas.

Sinabi pa nito na gusto niyang umakyat sa isang bundok na may niyebe o snow.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *