6 arestado kasabay ng pagkakakubkob ng PDEA sa isang DRUG DEN sa Katuli Sultan Kudarat, Maguindanao

ARESTADO ang Anim katao kasunod ng ikinasang drug buy-bust operation ng mga elemento ng PDEA-BARMM sa pamumuno ni RD Juvenal Azurin na nagresulta sa pagkakakubkob ng isang drug-den dakong ala 1:30 ng hapon kahapon sa Prk. Warda, Brgy. Katuli, Sultan Kudarat Maguindanao.

Kinilala ni PDEA Maguindanao Provincial Officer Fim Anthony Naïve ang naaresto na sina MARIAM ACOB BUYOK alias MER, MUSTAPHA ARNAN ENGGIO alias TANG, ALABAZZAR TADLAS ENNGO alias BAZZAR, MONSER MANIBPEL KARIM alias MONSER at PIPO BRA BUYOK.

Ayon kay NAÏVE, mahigit isang buwan nila umano minamanmanan ang mga target nilang sina THOKS at MARIAM kung saan si MARIAM ay dati na nilang nabuybust noong taong 2014 hanggang sa umabot sa kanilang kaalaman na nasasangkot nanaman ito muli sa kalakaran ng droga.

Nasamsam ng mga operatiba sa kanilang operasyon ang nasa 20 grams ng suspected shabu na siyang object of sale na may average price na P136,000.00.

Naging matagumpay ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Mgauindanao PNP Intelligence Unit, PNP Maritime Group at ang tropa ng Sultan Kudarat Municipal Police Station.

Sa ngayon ang anim na mga suspek ay nakadetain na sa lock up cell ng PDEA BARMM at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa RA9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *