6 biktima ng paputok sa pagsalubong ng Pasko sa Soccsksargen

KORONADAL CITY – NAKAPAGTALA ang Soccsksargen region ng anim na mga firecracker related-injuries sa pagdiriwang ng Pasko. Ito ay batay sa datos ng Department of Health o DOH 12 mula noong December 21 hanggang December 25.

Ang naturang bilang ay mas mataas ng 100% kumpara sa katulad na panahon noong 2022. Lahat ng mga biktima ng paputok ay pawang mga lalaki na nasa edad 9 anyos hanggang 19 anyos.

Apat sa mga firecracker-related injuries ay naitala sa South Cotabato, habang dalawa naman sa North Cotabato.

Wala namang naitalang naputulan ng daliri dahil sa paputok sa rehiyon. Samantala, lumabas din sa datos ng DOH na apat sa mga bitima ay naputukan ng illegal firecrackers na kinabibilangan ng 5 star, boga, triangle, at whistle bomb, habang dalawa naman ang nabiktima ng legal na paputok katulad ng kwitis at small triangulo. Umapela naman ang DOH sa lahat na ipagdiwang ang New Year nang ligtas at iwasan ang paputok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *