6 na akusado sa pagkawala ng ilang sabungero noong 2022, pinayagang magpiyansa ng P3-M

Pinayagan ng Korte na magkapagpiyansa ng P3 milyon ang anim na akusado sa pagkawala ng anim na sabungero noong 2022.

Ayon kay Atty. Richard Anthony Fadullon may anim na elementong kailangan bago patunayan kung ang isang tao ay kinidnap.

Lumalabas na tatlo sa elemento na iyon ay hindi napatunayan ng prosecution.

Isa rin sa naging dahilan kung bakit pinayangang makapag-piyansa ang mga sinasabing sangkot ay ang pag-atras ng ilang pamilya ng mga sabungero na nawawala.

Kalahating milyon kada kaso ang itinakda kina Julie Patidongan, Mark Carlo Zabala, Virgilid Bayog Pilar, Robert Matillano Jr, Gler Cudilla, Johnry Recapor Consolacion.

Ayon sa DILG Calabarzon kinukumpleto na ng kampo ng mga akusado ang requirements para sa pyansa.

 Ikinadismaya naman ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero ang pagpayag na makapag pyansa ang mga akusado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *