6 na guro ng tumaob na bangka, nailigtas

SORSOGON CITY – Anim na guro na lulan ng tumaob na bangka ang nailigats ng mga manlalaot sa karagatan na sakop ng Magallanes, Sorsogon.

Ang mga biktima na pawang mga ’coastal teachers’ ng Hubo Elementary School ay nakilalang sina Rex Extrimadura, Rolena Derilon, Ronalyn Handig, Rema Paulino at ang dalawang volunteer teachers na sina Leah Delumin at Rowel Buelo.

Sa panayam ng Brigada News kay Derilon, sinabi nito na papunta na sana sila sa kanilang paaralan, umaga noong Lunes lulan ng motorized banca nang namatay ang makina at dahil malakas ang hangin at maalon ay biglang tumaob ang bangka.

Ginawa umano nilang salbabida ang tumaob na bangka hanggang sa may nakapansin sa kanila na mga manlalaot saka sila nailigtas.

Narekober pa nila ang ilan nilang gamit katulad ng backpacks, laptop at ilang gadgets subalit hindi na ito mapapakinabangan lalo na ang dala nilang mga modules.

PHOTOS: credits to the rightful owner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *