6 na NPA na sumuko binigyan ng tig-P.5M ng gobyerno sa Apayao

Binigyan ng tig-kalahating milyong piso ang 6 na New People’s Army na nagbalik-loob sa pamahalaan habang binigyan naman ng 1 milyon piso ang isang impormante.

Ang pabuya ay mula sa inisyatibo ng local government unit ng Apayao sa pamamagitan ng Executive Order 22.

Dumalo sa nasabing aktibidad si Department of National Defense Sec. Gibo Teodoro kasama ang ilang matataas na opisyal ng lokal na pamahalaan.

Samantala, ang naturang impormante ang siyang nagturo sa isang rebelde na may mataas na katungkulan at pagkarekober ng tatlong matataas na armas sa Upper Atok, Flora, Apayao sa isang engkuwentro sa tropa ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *