6 na taong gulang na batang babae patay makaraang malunod noong huwebes santo sa bayan ng BASUD

CAMARINES NORTE – Patay ang isang anim na taong gulang na batang babae makaraang malunod habang naliligo sa Malab- ang river sa Barangay San Felipe sa bayan ng Basud, Camarines Norte noong Huwebes Santo ng hapon.

Batay sa ulat ng Basud Municipal Police Station tumalon ang biktima sa ilog na walang nakapansin na ito ay nawawala na hanggang sa matagpuan ito  sa ilalim ng tubig ng kaniyang tiyuhin na wala nang malay.

Isinugod pa sa ospital ang biktima perong ideneklarang dead on arrival ng doktor.

Kaugnay nito ay nanawagan si PMaj Eva Guriuela, hepe ng Basud MPS sa mga magulang nang ibayong pag- iingat at pagbabantay sa mga menor de edad na naliligo sa ilog at dagat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *