Local News

60 kambing mula sa da region 2, ipinamahagi sa mga naapektuhan ng bagyong ulysses sa cauayan city

Namahagi ngayong araw ang Department of Agriculture Field Office 2 katuwang ang Cauayan City Veterinary Office ng nasa 60 na kambing sa mga residente na naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Cauayan City Veterinary Officer Dr. Ronald Dalauidao, ito ay bahagi ng Livelihood Project ng DA Region 2 bilang tulong sa mga residente na naapektuhan ng bagyo partikular ang mga namatayan ng alagang kambing.

Karamihan sa mga nakatangga p sa lungsod ay ang mga nasa flooded areas tulad ng mga barangay ng Gagabutan, Carabatan Punta, Mabantad, Tagaran at iba pa.

Paalala naman ni Dr. Dalauidao sa mga benepisaryo na kinakailangan umanong palaguin ang kanilang ibinigay na kambing para mabigyan din ang ilan pa sa mga naapektuhan.

Ayon pa kay Dr. Dalauidao, isang kambing ang ibinigay sa bawat isang tao.

Samantala wala naman umanong kasiguraduhan kung magkakaroon pa ng ikalawang bagsak ng pamamahagi ng kambing sa lungsod dahil magsisimula na rin ang kanilang pagbibigay ng baboy sa mga naapektuhan naman ng African Swine Fever o ASF.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago