60 new Covid-19 cases sa Albay naitala ngayong weekend

LEGAZPI-Aabot sa 60 na bagong kaso ng Covid-19 ang naitala sa lalawigan ng Albay hanggang kahapon.

Ayon sa talaga ng Albay Provincial Health Office, noong July 29, nakapagtala ng 17, noong petsa 30 ay nakapagtala ng 31 bagong kaso ng tinamaan ng sakit at kahapon naman, nakapagtala ng 12.

Dagdag pa nito, 4 ang menor de edad ang nagkasakit at 9 na araw na kakapanganak pa lamang na sanggol na lalaki ang pinakabata na residente ng barangay binanowan lungsod ng Ligao at sinasabing nahawaan ng sakit sa loob ng hospital.

Aabot naman sa mahigit 10 ang senior citizen ang nagkasakit.

Samantalang karamihan rin sa nagkasakit ay mga health care workers, private employee at government employee.

Sa nasabi naman na bilang, 16 rito ang mga na admit sa hospital at ang iba naman ay inabisuhan na sumailalim sa home-quarantine at mag-obserba ng minimum health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *