60 OFWs sa Sultan Kudarat, nakatanggap ng cash grant mula sa DMW

KORONADAL CITY – UMABOT sa P 1.8 million na halaga ng cash grant ang ipinamahagi ng Department of Migrant Workers o DMW sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Ang awarding ay pinangunahan ni DMW Officer-in-charge Hans Leo Cacdac at Assistant Secretary Venecio Legazpi kasama ang mga regional officials.

Nakinabang dito ang 60 mga distressed Overseas Filipino Workers o OFW sa naturang probinsya na nakatanggap ng tig P 30,000. Maliban sa financial assistance, nagbigay din ang DMW ng legal services, reintegration support services at assistance sa pag-isyu ng travel exit clearance at employment ssistance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *