60 solar-powered panels at portable water filtration units, ipinamahagi ng DILG sa mga evacuation centers sa Albay dahil sa pag-aaburoto ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa pangunguna ni Governor Atty. Edcel “Grex” Lagman na namahagi si Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ng aabot sa 60 solar-powered panels at portable water filtration units na magagamit sa mga evacuation centers sa lalawigan kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ito umano ay sa pakikipagtulungan kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes.

Ayon kay Lagman, ang mga nabanggit na kagamitan ay mga uri ng modern at germicidal-ultraviolet technology na may kakayahang mag-purify ng tubig mula sa mga balon, ilog, sapa at iba pa upang maging ligtas na inumin.

Dagdag pa rito, 180 mga gallon ng tubig ang kaya umanong ma-produce ng bawat unit.

Maliban dito, nagpapasalamat din ang gobernador sa ipinadalang 20 tauhan mula sa MMDA upang tumuwang.

Lubos umano itong kinakailangan sa evacuation centers lalo’t marami sa mga residente ang kabilang sa vulnerable sectors at upang matugunan ang lahat ng mga problema pagdating sa water, sanitation at hygiene at hindi rin naman maaaring dumepende sa mga plastic water bottles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *