60 taon nang hindi nalilinisan na lalagyan ng barbeque sauce sa Japan, mas nakapasasarap umano sa barbeque ng isang restaurant

Maniniwala ka ba na isang restaurant sa Tokyo, Japan ang napakatagal na umanong hindi nililinisan ang lalagyan ng kanilang barbeque sauce?

Ang restaurant na Abe Chan ay isang sikat na yakitori barbecue restaurant kung saan napabalitang 60 taon na ngang hindi nililinisan ang lalagyan ng kanilang barbeque sauce.

Pinag-usap-usapan nga ito sa social media kung saan, nagkaroon din ng diskusyon ang Japnesese netizens patungkol dito.

Iginiit naman ng restaurant na safe umano ang pagkain na kanilang sineserve at kumpiyansa sila na safe din ito sa bacterial contamination at mas nagpapasarap umano ang hindi hinugasan lalagyan sa kanilang yakitori.

Ilan sa mga nakaalam dito ay nadiri na siya namang ipinagtanggol ng mga suki ng nasabing restaurant na hindi naman sila nagkakasakit kahit pa nakakain na sila dito nang maraming beses.

Sa ngayon, usap-usapan pa rin at inaabangan ng mga netizen kung lilinisin na ba ng restaurant ang nasabing lalagyan o pananatilihin ang paniniwala nito.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *