600 milyong pondo ibinawas sa opisina ng 3rd District sa Camarines Sur dahil sa pag kuwestyon at pagkontra sa approved 2024 national budget

NAGA CITY – Umabot sa 600 na million pesos ang ibinawas sa annual budget para sa opisina ni Congressman Gabriel Bordado Jr. ng 3rd District ng Camarines Sur, matapos na diretsahang kwestyonin niya at kontrahin ang naaprobahang national budget para sa taong ito 2024.

Sa kanyang naging mensahe sa pagdiriwang ng ika 25 taong anibersaryo ng Bantay Familia, sinabi ni Congressman Bordado na bukod sa kanya, ganito rin ang nangyari kay Cong. Edsel Lagman ng Albay at sa isang Kongresista pa mula sa Mindanao Region.

Malaki aniya ang magiging epekto nito sa pagpatupad ng kanyang mga programa at aktibidad sa 3rd district kaya kailangan na magtipid sa pagpapalabas ng pondo, gumamit pa ito ng termino na mangangamote sila.

Magkagayunman, pinanindigan niya ang kanyang naging desisyon sa pag-kuwestyon sa national budget at para sa kanya iyon ay tama at dapat lamang na kuwestyonin.

Karamihan sa mnga projects ng Kongresista sa kanyang distrito ay farm to market roads, covered courts at flood control projects.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *