600 na mga siklista, lumahok sa pedal para sa kapayapaan at kalusugan funbike ng PPO-Camarines Sur

NAGA CITY – Umabot ng 600 mga siklista ang lumahok sa Pedal para sa kapayapaan at kalusugan, 25 Kilometers Fun Bike ng Police Provincial Office ng Camarines Sur na isinagawa kaninang umaga.

Ayon kay PMaj. Maria Victoria Abalaing, Information Officer ng PPO-Camarines Sur, halos lahat ng sumali ay mga Bike Enthusiasts na bahagi ng mga organizations sa lalawigan.

Maging si PNP Regional Director PBGEN. Westrimundo Obinque ay lumahok din kasama ng ilang matataas na opisyal ng PNPRO5, ang Provincial Director ng PPO-CamSur at ang City Director ng Naga City Police Office.

Layunin ng aktibidad na maisulong ang kalusugan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagbibisekleta na isang uri ng ehersisyo, gayundin ang isulong ang adbokasiya ng PNP laban sa kriminalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *