600,000 metric tons ng palay inaasahang aanihin  ngayong harvest season -DA Bicol

Camarines Sur – Magandang kalidad ng palay ang inaasahang aanihin ng mga magsasaka ngayong harvest season o buwan ng anihan ngayong Marso at Abril, ito ang pagtitiyak ng Department of Agriculture Bicol.

Sa isang press briefing sinabi ni DA Bicol Spokesperson Love Guarin na noong nakaraang taon nang magsimula ang early planting ng mga magsasaka.

Karamihan sa mga farmers ay rehistrado na sa Philippine Crop Insurance Corporation PCIC Crop Indemnification, ibig sabihin kapag rehistrado sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture RSBSA libre ang crop insurance at mga benipisyo mula sa gobyerno.

Matatandaan na una nang sinabi ng ahensya na napaghandaan na nila ang posibleng epekto ng El niño sa rehiyon katuwang National Irrigation Administration (NIA) Bicol pati ang mga Municipal Agriculture Offices upang hindi gaanong maapektuhan ang palay production sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *