61, 722 indibidwal sa Camarines Norte natanggap na ang national ID

CAMARINES NORTE- Nai- deliver na sa  61, 722 Cam Norteño ang  kanilang national ID mula sa 62, 500 o 99 percent ng natanggap naman ng Philippine Postal Corporation (Philpost).

Batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority hanggang Agosto 31, 2022.

Isang daang porsiento namang nai- deliver ang mga natanggap na National ID para sa Capalonga na may 3, 428, Jose Panganiban 3, 844, Paracale 3, 860 at Sta Elena, 4 347.

Sa bayan ng Basud 2, 602 ang natanggap ng Philpost at 2, 526 nito ang nai deliver o 97 percent.

Nasa 20, 511 naman ang para sa Daet na nakapag deliver na ng 20, 134 o 98 percent.

Halos isang daang porsiento naman ng 11, 481 na natanggap ng Philpost para sa bayan ng Labo ang nai- deliver na nasa 11, 417 gayundin sa Vinzons na mayroong nai- deliver na 3, 961 sa 3, 996 na dumating o 99 percent.

Mayroon namang natanggap ang Philpost  na 3, 174 para sa bayan ng Mercedes  kung saan  3, 124 ang nai- deliver na o 98 percent.

Nakapagdeliver naman  ng 2, 608 na national Id para sa bayan ng Talisay sa 2, 669 na dumating o 98 percent.

Ganitong percentage din ang para sa San Lorenzo Ruiz na may dumating na 1, 630 at 1, 603 dito ay nai- deliver na.

Habang ang bayan naman ng San Vicente ay may 932 na dumating pero 870 pa lang naide- deliver o 93 percent.

Sa susunod buwan ay maglulunsad ang PSA ng Printable ID na pansamantalang gagamitin habang wala pa ang national ID.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *