63% na pagtaas sa kaso ng rabies sa bansa, naitala ng DOH

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 63% na pagtaas sa kaso ng rabies mula Disyembre 17 hanggang 31 nitong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, 13 kaso ang naitala sa panahong ito, mas mataas kaysa sa 8 kaso na naitala noong nakaraang dalawang linggo.

Bukod dito, ang NCR (National Capital Region), at maraming rehiyon sa bansa ay nagpakita ng pagtaas ng kaso sa nakalipas na 4 na linggo.

Dagdag pa ng health department, nakapagtala ito ng 7 kaso ng rabies mula Enero 1 hanggang 13 ng kasalukuyang taon.

Muling namang nagpaalala ang ahensya sa publiko na paturukan ng bakuna kontra rabies ang kanilang mga alagang hayop dahil lubha itong nakamamatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *