64 katao, patay sa panibagong tribal violence sa Papua New Guinea

Minasaker ang nasa 64 katao sa panibagong tribal violence sa Papua New Guinea.

Ayon kay Papua New Guinea Constabulary Acting Superintendent George Kakas, inatake ng tribo ang isa pang tribo nang nang tambangan ang mga ito sa Enga province.

Naniniwala si Kakas na mas marami pang bangkay ang madidiskubre ng pulisya sa mga susunod na araw, kasama ng iba pang mga sugatan na nakatakas.

Ito na ang pinakamataas na death toll mula sa serye ng mga karahasan sa liblib na lugar ng Papua New Guinea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *