66 healthcare workers ng CVMC, tumanggap na ng kanilang booster shots

Kabuoang 66 healthcare workers na kinabibilangan ng mga Doctor, Nurses at iba pang staff ng Cagayan Valley Medical Center ang nakatanggap na ng kanilang booster shots kahapon, November 17,2021.

Ito ang kinumpirma ni CVMC Chief Dr. Glenn Matthew Baggao sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, ang kanilang primary vaccine ay Sinovac kaya’t Pfizer ang natanggap nila sa unang araw ng pagbabakuna ng booster shot kahapon dahil ito ang available.

Paliwanag nito ang kanilang natanggap na Sinovac noon ay anim na buwan ang epekto kaya’t kinailangan ng booster shot para sa kanilang nagpapatuloy na proteksyon.

Ayon pa kay Dr. Glenn kung ang primary vaccine ay Sinovac maaring makatanggap ng booster shot na Pfizer, Astrazeneca at Moderna ngunit kung astrazeneca naman ang unang naibakuna ay maari ang Pfizer at moderna na booster.

Ang interval aniya ng booster shot sa lahat ng brand ng bakuna kontra Covid-19 maliban sa J&J ay 6 months matapos matanggap ang second dose ng primary vaccine kung saan ang bisa pa rin nito ay anim na buwan.

Makararanas pa rin ng minimal side effects ang mga nabakunahan ng booster tulad ng pagkirot ng brasong nabakunahan at pagsakit ng katawan ngunit normal lamang ang mga ito.

Bagaman ang halos 2,500 na staff ng CVMC ay hindi magkakapareho ang primary vaccine ay mayroon paring corresponding booster shot para sa kanila at magpapatuloy umano ang vaccination roll-out ng hospital depende sa supply na bakuna na darating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *