6,637 bagong COVID-19 cases; 191 bagong fatalities

Nagtala ang Pilipinas ng 6,637 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, dahilan para tumaas ang kabuoang bilang ng infections sa 1,080,172.

Sa gitna nito, isang laboratoryo lang ang bigong makapagsumite ng kanilang datos, on time.

Ayon sa Department of Health, ang mababang bilang ng mga infections para ngayong Huwebes ay dahil sa mababang samples na natanggap ng mga laboratoryo.

Sa ngayon, nasa 63,170 pa ang mga active cases, kung saan 94.3% ang mild, 1.9% ang asymptomatic, 1.6% ang severe, at 1.2% ang nasa kritikal na kondisyon.

Kaugnay nito, tumaas rin ang kabuoang bilang ng recoveries sa 999,011, matapos maitala ang 6,091 na mga bagong gumaling, habang ang death toll ay umakyat sa 17,991 nang madagdagan ng 191 pang fatalities. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *