6,879 new COVID-19 infections; Active cases, pumalo pa sa 63,000

Nakapagtala ang Pilipinas ng 6,879 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lalo pang sumipa ang kabuoang infections sa 1,612,541.

Ayon sa Department of Health, 3.9% ng kabuoang tally o 63,137 ang active cases, kung saan 94% dito ang nakaranas ng mild symptoms, 2.1% ang mayroong severe symptoms, 1.46% ang nasa moderate condition, 1.3% ang walang sintomas at 1.2% ang nasa kritikal na kondisyon.

Kaugnay nito, tumaas rin ang death toll sa 28,141 o 1.75% ng COVID-19 count matapos maitala ang 48 pang nasawi habang 6,337 ang mga bagong gumaling dahilan para tumaas ang survivor count sa 1,521,263 o 94.3% ng case tally.

Sinabi ng DOH na bahagyang mababa ang case numbers dahil sa mababang submission ng mga samples noong August 1.

Hindi rin kasama sa bilang ang resulta mula sa 10 laboratoryo na hindi nakapagbigay ng datos. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *