7.2 magnitude na lindol sa Taiwan, pinakamalakas na lindol na naranasan ng isang Albayanong OFW sa loob ng 10 taon

LEGAZPI CITY – Maituturing ng isang Albayanong Overseas Filipino Worker sa Taiwan na pinakamalakas ang nangyaring lindol kahapon sa pinagtatrabahuhang bansa na umabot sa 7.2 magnitude.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Sheila Marie Balingbing na residente ng Sto. Domingo, Albay, sinabi niya na sa samupung taon niyang pagtatrabaho bilang factory worker sa Hsinchu, Taiwan, ito na ang pinakamalakas na lindol na kaniyang nasaksihan at naranasan kahit pa malayo naman ang lokasyon nila sa mismong epicenter.

Aniya, sa kanyang karanasan sa loob ng sampung taon, nagkakaroon talaga ng linog sa kada pagpalit ng season, halimbawa’y kapag nagkakaroon ng transition mula sa winter papuntang summer season.

Ayon pa kay Balingbing, matapos ang lindol kahapon ay nakakaramdam pa rin sila ng mga aftershocks magpahanggang ngayon.

Samantala, ibinahagi niya na nasa ikaapat na palapag siya ng dorm nila nang mangyari ang lindol kahapon, subalit tiniyak naman niya na okay sila at wala naman gaanong naitalang damages.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *