7-anyos na batang babae patay nang makapitan ng dikya sa Del Gallego Camarines Sur

 NAGA CITY- Isa nanamang buhay ang nawala dahil sa dikya.

Sa Del Gallego Camarines Sur, patay ang 7-taong gulang na si “Rian” ng Barangay Tomagoktok, makatapos madikitan ng dikya (salabay) o box jelly fish sa isang resort sa Barangay Sinuknipan pasado alas-3 ng hapon nitong Linggo. Dalawa pang iba ang nasugatan.

Nagtulong-tulong ang mga residente at kaanak na kasama na maalis ang mga galamay ng dikya sa paa ng biktima at linapatan ng 1st aid hanggang sa nawalan ito ng malay. Dinala sana pagamutan subalit ideneklarang dead on arrival ng sumuring doktor.

Hindi umano batid ng ama kung bakit pinayagan ng resort na makapasok ang mga bata kahit nasa pandemya, nasa trabaho ang ama nang mangyari ang insidente.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Emilio Endrano hepe ng Del Gallego PNP sinabing nangako ng tulong ang resort . Ang paliguan ay sarado na ngayon, isinara ito base rekomendayon ng MDRRMO at Sanguniang Bayan matapos ang inspeksyon kasama ang PNP.

Una nang sinabi ni Nonie Enolva tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol , ang kamagdag ng dikya o box jelly fish ay nakaka irita sa balat at nakamamatay.

Paalala nito sa mga maliligo sa dagat, maaari aniyang mag lagay ng lambat na siyang haharang sa dikya papunta sa mga maliligo. Subalit sa nangyari sa bata sa Del Gallego nasira ng Bagyong Dante at kasalukuyan pang ginagawa ang harang na lambat ayon sa pamunuan ng resort.

Dati na ring sinabi ni Enolva na dapat maging maingat sa pagbibigay ng first aid, mas mainam aniya kung dalhin kaagad sa ospital ang kinapitan ng dikya lalo pa kung matindi ang epekto nito.

Kung matatandaan nito lamang Mayo isa ring 5-anyos na bata ang nasawi dahil sa dikya sa Lagonoy parehong lalawigan, dinala sana sa ospital sa Tinambac subalit hindi nakayanan ang kamagdag ng dikya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *